Catch Me Out, may Pinoy version na!

Noong pagsalubong sa bagong taon, kasama sa inilabas ng GMA-7 ang Catch Me Out Philippines sa mga bagong programang dapat abangan ng mga manonood.

Ang Catch Me Out ay isang reality/game TV show na ginawa ng All3Media, isang independent production & distribution company sa United Kingdom.

Photo Credit: All3Media International

Mabibigyan ng pagkakataon ang isang pangkaraniwang tao para manalo ng limpak limpak na salapi. Ang kailangan lang gawin ng mga contestant ay papaniwalain ang Studio Audience na sila ay professional entertainer.

Bibigyan sila ng mga mentors para mag-training sa loob ng apat na linggo.

Photo Credit: All3Media International

Pagkatapos ng isang buwan, magpeperform sila sa harap ng studio audience. Boboto ang mga audience kung sino sa tingin nila ang impostor at hindi talaga professional entertainer. Ang contestant na pinakamaraming naloko ang syang mananalo.

Photo Credit: All3Media International

Wala pang ina-announce na host ng game show na ito, pero siguradong riot ito ng katatawanan at mabubusog ang inyong mga mata sa performance ng mga contestant.

Mapapanood na ngayong 2020 ang Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *