Cast ng ‘Darna: The TV Series,’ ipinakilala na!

Ipinakilala na ngayong araw, October 5, ang mga aktor at aktres na makakasama ni Jane de Leon sa inaabangang fantasy series na “Darna: The TV Series” ng ABS-CBN.

Nauna nang i-anunsyo kahapon ang bagong direktor ng naturang teleserye na si Direk Chito S. Roño.

Bahagi rin ng “Darna” series ang isa sa pinakamagagaling na aktres ng henerasyong ito na si Ms. Iza Calzado.

Dumaano umano sa matinding audition ang mga bubuo sa cast ng “Darna: The TV Series” upang masigurado ang kalidad nito.

Si Gerard Acao ang gaganap bilang Pancho Paras, isang frustrated basketball player.

Si Tart Carlos naman ang gaganap bilang Ruby Carbonel, ang CCTV ng barangay.

Si Marvin Yap, gaganap bilang isang tricycle driver na si Gardo Lara Cruz at may lihim na pagtingin kay Ruby.

Si Zeppi Borromeo ang gaganap bilang Oleg Mendoza na isang matapang na barangay tanod.

Kasama pa sa cast ang pinakasikat na Kapamilya stars na sina Yogo Singh, LA Santos, Young JV, Mark Manicad, Joj Agpangan, Levi Ignacio, Simon Ibarra, Richard Quan, Rio Locsin, at Kiko Estrada.

Bahagi rin ng cast si Zaijan Jaranilla na gaganap bilang Ricardo Custodio, o Ding, ang kapatid ni Narda na sidekick ni Darna.

“Mahilig siya sa technology at computer games,” sabi ni Jaranilla sa kaniyang karakter.

Si Joshua Garcia naman ang gaganap bilang Brian Samonte Robles, isang pulis na magiging katambal ni de Leon sa serye.

Maliban sa cast, inanunsyo rin na si Avel Sungpongco ang magiging second director ng series, kasama ang acclaimed filmmaker na si Direk Chito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *