‘Boys Over Flowers,’ nasa GMA na; Pinoy version, niluluto na rin?

Sa pagbubukas ng bagong taon, ihahandog ng GMA Heart of Asia ang isa sa mga classic at timeless South Korean drama na Boys Over Flowers na mapapanood simula sa January 4.

Ito ay pinagbibidahan nina South Korean actors Lee Min-Ho, Kim Hyun-Joong, Kim Bum, at Kim Joon, at Goo Hye-Sun.

Ang Boys Over Flowers ay tungkol sa isang working-class student na si Geum Jan-Di (Goo Hye-Sun), na nakadaupang-palad ang grupo ng apat na pinakamayayaman at pinakasikat na high school students na sina Goo Jun-Pyo (Lee Min-Ho), Yoon Ji-Hu (Kim Hyung-Joong), So Yi-Jung (Kim Bum), at Song Woo-Bin (Kim Joon), o mas kilala sa tawag na F4, nang suwerteng makapasok siya sa elite high school na pinapasukan ng mga ito.

Dahil sa paglalakas ng loob niya na kumprontahin ang ginagawang pambu-bully ng F4, si Jan-Di ang magiging target ng kanilang pranks at pananakot.

Pero paano kung dahil sa kanyang katapangan at kakaibang charm ay mapalambot ni Jan-Di ang puso ng leader ng grupo na si Goo Jun-Pyo? Makuha kaya ng binata ang gusto nito gaya ng kanyang nakasanayan?

Abangan ang isa sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia sa 2021, ang romantic-comedy series na Boys Over Flowers, simula January 4, Lunes hanggang Biyernes 8:45 pm hanggang 9:15 pm, pagkatapos ng Where Stars Land sa GMA News TV.

‘Boys Over Flowers’ Pinoy adaptation, matutuloy na ba?

Dahil nga nasa GMA Network na ang broadcast rights ng Korean version ng Boys Over Flowers, nabuhayan naman ng loob ang mga netizen na matagal nang nag-aabang sa Pinoy version nito.

Matatandaang November 23, 2017 nang i-anunsyo ng GMA Network ang kanilang audition / casting call para sa cast ng Pinoy version ng Boys Over Flowers.

Video Credit: GMA Network

Marami ang na-excite noon at talagang pinilahan ang audition, ngunit biglang nawala ang mga articles ng gmanetwork.com tungkol sa Pinoy version ng Boys Over Flowers nang i-anunsyo ng ABS-CBN na ipapalabas nila ang Chinese version ng Meteor Garden, na hango rin sa sikat na manga na Hana Yori Dango sa Japan.

May mga haka-haka noon na nagkaroon ng problema ang GMA noon sa pagbili ng rights ng Boys Over Flowers sa JU Entertainement Movie and Drama Inc. Dapat daw kasi ay sa Shueisha at kay Yoko Kamio binili ang rights dahil sila ang original creator ng manga.

Hindi naglabas ng pahayag ang GMA Network tungkol dito at patuloy na umaasa ang fans na sana nga ay matuloy ang Pinoy version ng Boys Over Flowers.

Ilang araw na lang bago ang Kapuso New Year Countdown, isa na nga kaya ang Boys Over Flowers sa ipapalabas sa Omnibus plug ng GMA?

Well, abangan na lang natin ‘yan. Nothing really is final until it happens!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *