BLIND ITEM: Beteranang aktres, nairita sa kabobohan ni batang aktres

Tinalakan pala ng isang award-winning at beteranang aktres ang isang young actress ng network.

Ang dahilan, ang pagiging bano umano ni young actress at hindi raw nito ma-absorb ang mga instruction.

Parang sabaw na sabaw raw ang young actress.

Noong una raw ay tinutulungan pa ito ng beteranang aktres at tinuturuan sa tamang pag-arte sa harap ng kamera, pero dahil paulit-ulit daw ang take at inabot na sila ng madaling araw, hindi na nakatiis ang beteranang aktres at tinalakan ito sa harap ng mga staff.

Hindi pa doon nagtapos ang pagka-imbyerna ng beteranang aktres, nag-message pa ito sa Viber group nila kahit na member rin doon ang young actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *