Bianca Umali, nagsimula nang mag-taping para sa international series

Bibida ang Kapuso star at Legal Wives actress na Bianca Umali sa international series na Halfworlds ng HBO Asia.

Nagsimula nang mag-taping ang aktres kahapon, July 25, ang aktres para sa season 3 ng series.

Gagampanan ni Bianca ang role ng isang kalahating tao at kalahating engkanto na maghahanap ng isang halaman na makakagamot sa mga Engkanto na uhaw sa laman ng tao. Ang halamang ito ay pag-aawayan ng Engkanto tribes.

Ayon sa media release ng HBO Asia, ang third season ng Halfworlds ay isu-shoot sa “neon streets of Bangkok to the gun-stricken streets of Manila, where thirsty mythical creatures known as Engkantos live out in the open amongst humans.”

Nakatakda ring bumalik sa third season ang ilang cast na napanood na sa previous seasons, at isu-shoot ang kabuuan dito sa Pilipinas.

Makakasama ni Bianca sa serye si Sam Concepcion at si Mikhail Red ang direktor nito.

Ang Halfworlds ang longest-running original series ng HBO Asia na napanood simula pa noong November 29, 2015.

Tumanggap na sila ng awards mula sa Asian TV Awards noong 2016 at sa Apollo Awards noong 2016 at 2017.

Ilan sa mga ginawang TV series ng HBO Asia ay ang Miss SherlockThe Teenage Psychic, Asian remake ng The BridgeThe World Between UsSerangoon Road, at Folklore.

Pawang mga biggest stars ng iba’t-ibang bansa sa Asya ang kinukuha ng HBO Asia, kaya malaking break ito para kina Bianca at Sam.

Inaasahang ipapalabas ang Halfworlds bago matapos ang 2020. Mapapanood ito sa HBO at HBO GO.

Samantala, mamayang gabi na mapapanood ang Legal Wives, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *