Bianca Umali, makakatambal ni Dennis Trillo sa ‘Legal Wives’

Makakatambal ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang Sahaya at Halfworlds actress na si Bianca Umali sa upcoming drama series ng GMA na Legal Wives.

ALSO READ: Bianca Umali, magsisimula na mag-taping para sa Halfworlds

Sa Press Release na inilabas ni Kapuso PR Girl, si Bianca Umali ang nasulat na makakatambal ni Dennis.

Tila mga bata ang itinatambal ngayon kay Dennis. Katatapos lamang nilang gawin ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang month-long special ng Daig Kayo ng Lola Ko kung saan gumanap sina Dennis at Barbie bilang mga werewolf.

Samantala, si Bianca naman ay ibang-iba na ang image ngayon. Malayung-malayo sa kanyang image noong nagsisimula pa lang s’ya sa showbiz.

Madalas mag=post si Bianca sa kanyang instagram account ng kanyang mga sexy photo sa beach.

Wala pang ibang detalyeng inilalalabas tungkol sa Legal Wives, pero tiyak na isa na naman itong kakaibang kwento tulad ng ginawa noon ni Dennis na My Husband’s Lover, ang first gay themed drama series na pinagsamahan nila nina Tom Rodriguez at Carla Abellana noong 2013.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *