Bianca Umali, magsisimula na mag-taping para sa Halfworlds

Maganda ang pasok ng taong 2020 para sa Kapuso at Sahaya actress na si Bianca Umali.

Bibida kasi ang batang aktres ng GMA-7 sa season 3 ng Halfworlds ng HBO Asia at magsisimula na siyang mag-taping nito.

Ididirek ng Birdshot at Eerie director na si Mikhail Red ang Halfworlds, isang dark action fantasy series, na ipo-produce ng HBO Asia katuwang ang Cignal TV.

Gagampanan ni Bianca ang role ng isang kalahating tao at kalahating engkanto na maghahanap ng isang halaman na makakagamot sa mga Engkanto na uhaw sa laman ng tao. Ang halamang ito ay pag-aawayan ng Engkanto tribes.

Ayon sa media release ng HBO Asia, ang third season ng Halfworlds ay isu-shoot sa “neon streets of Bangkok to the gun-stricken streets of Manila, where thirsty mythical creatures known as Engkantos live out in the open amongst humans.”

Makakasama ni Bianca Umali ang Indak lead actor na si Sam Concepcion.

Nakatakda ring bumalik sa third season ang ilang cast na napanood na sa previous seasons, at isu-shoot ang kabuuan nito sa Pilipinas.

Ang Halfworlds ang longest-running original series na napanood simula pa noong November 29, 2015.

Tumanggap na sila ng awards mula sa Asian TV Awards noong 2016 at sa Apollo Awards noong 2016 at 2017.

Ilan sa mga ginawang TV series ng HBO Asia ay ang Miss Sherlock, The Teenage Psychic, Asian remake ng The Bridge, The World Between Us, Serangoon Road, at Folklore.

Pawang mga biggest stars ng iba’t-ibang bansa sa Asya ang kinukuha ng HBO Asia, kaya malaking break ito para kina Bianca at Sam.

Inaasahang ipapalabas ang Halfworlds bago matapos ang 2020. Mapapanood ito sa HBO at HBO GO.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *