Bea Alonzo, tuloy na ang pagiging Kapuso?

Naglabas ng nakaka-intrigang teaser ang GMA-7 ngayong Martes, June 29, tungkol sa isang award-winning actress na malapit nang maging Kapuso.

Nakasulat sa post, “An award-winning actress will soon be a Kapuso!”

Hula ng maraming netizens sa identiy ng aktres, tila si Bea Alonzo na nga ang tinutukoy na magiging bagong miyembro ng Kapuso Network.

Kapansin-pansin sa teaser ang naghuhumiyaw na hint na “BE A Kapuso.”

Nagsimula ang ispekulasyong lilipat si Bea sa GMA Network dahil sa pelikulang nakatakda niyang gawin kasama si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A Moment to Remember.

Ito ang Philippine adaptation ng 2004 South Korean blockbuster movie na halaw mula sa 2001 Japanese television drama series na Pure Soul.

Ang GMA Pictures at Viva Films ang producer ng Pinoy version ng A Moment to Remember na magsisimula na ang principal photography sa susunod na buwan.

Dahil may existing movie contract pa si Alden Richards sa APT Entertainment, kasama rin ang APT sa magpoprodyus ng pelikula.

Noong nakaraang buwan, kumalat ang balitang may negosasyong nagaganap sa pagitan ng kampo ni Bea at ng GMA-7 management. Walang kumpirmasyon tungkol dito dahil tahimik ang GMA at ang kampo ni Bea.

May mga nalungkot sa paglutang ng balita tungkol sa posibilidad na paglipat ni Bea sa Kapuso Network, kabilang na ang ilang mga empleyado ng ABS-CBN.

Kung tuloy ang paglipat ni Bea, nangangahulugan itong tuluyan na niyang iniwan ang mother studio niya na nagpasikat sa kaniya at naging pangalawang tahanan simula pa noong pumasok siya sa showbiz noong 2001 bilang Talent ng Star Circle Batch 10.

2 thoughts on “Bea Alonzo, tuloy na ang pagiging Kapuso?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *