Bea Alonzo, sisimulan na ang first teleserye sa GMA!

Nag-celebrate ng kaniyang 30th birthday si Alden Richards sa Lake Tahoe, California ayon sa nakalagay na location sa kaniyang Instagram. Bisperas pa lang ‘yun ng kaniyang birthday at baka sa ibang parte ng California niya ipinagdiwang ang kaniyang special day.

Caption ni Alden sa kaniyang post, “Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. GOD has always been so good.”

Nakakaaliw ding basahin ang mga birthday greetings kay Alden, tulad ng pagbati ni Megan Young na pang-asar daw sa Kapuso actor.

Komento ni Megan, “Happy birthday Tito Alden!!!”

Sinakyan ‘yun ng iba pa at tinawag na ring “tito” si Alden na sigurado namang okay lang ‘yun sa aktor.

Sa January 9 na ang balik ni Alden mula sa States at sa kaniyang pagbabalik ay makakapagsimula na sila ni Bea Alonzo ng locked-in taping para sa movie nilang Special Memory.

Samantala, last Tuesday na ngayon ng The World Between Us at tuloy ang paghihiganti ni Louie (Alden) kina Brian (Tom Rodriguez) at Eric (Sid Lucero). Gusto ni Louie na managot ang dalawa sa pagkamatay ni Rachel (Dina Bonnevie) na umampon sa kaniya.

Tuloy tuloy ang blessing na dumarating kay Alden dahil after ng The World Between Us ay may gagawin rin silang teleserye ni Bea.

Ano kaya sa mga upcoming primetime programs ng GMA-7 ang gagawin nila?

Ilan sa mga opisyal na titles na inanunsyo ng GMA ay ang “Mano Po Legacy: Her Big Boss,” “Bolera,” “The Witness,” “The Bread House,” “Love Before Sunrise,” “What a Joy,” at “Sang’gre.”

Isa na kaya rito ang gagawin nila Bea at Alden?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *