Bea Alonzo, ipapasok daw sa ‘The World Between Us?’

Ayon sa mga lumabas na ulat, kaya daw may season break ang serye nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa GMA-7 ay dahil wala na silang nakabangkong episodes dahil sa hindi sila nakapag-taping dulot ng biglaang pagpapatupad ng enhance community quarantine (ECQ) sa NCR.

May mga usap-usapan ding kaya raw nagdesisyong mag-season break muna ang production dahil plano raw baguhin ang script.

Kapansin-pansin kasing hindi umaabot sa line of 2 ang ratings ng The World Between Us na makailang beses naabot ng pinalitan nitong First Yaya na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Pero malaking factor din kasi na walang simulcast sa GTV ang teleserye ni Alden, dahil ang katapat ng The World Between Us sa GTV na G! Flicks ay mataas rin ang nakukuhang rating.

Samantala, mas pagagandahin daw ang teleserye ni Alden at mas ia-angkop sa taste ng mga manonood. Marami rin daw ang dapat abangan sa pagbabalik ng top-rating primetime series ngayon sa Philippine television.

Isa pa raw sa balak ng produksyon ay ipasok sa serye ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Dapat ay sa pelikula unang magtatambal sina Alden at Bea pero dahil hindi pa ito masimulan kaya ipapasok muna ang bagong Kapuso actress sa seryeng The World Between Us. Ito’y para makita na rin daw ang chemistry ng dalawa at feedback mula sa televiewers.

Bukas naman ang Bored Productive sa magiging paliwanag ng GMA Entertainment Group hinggil sa usaping ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *