Bea Alonzo, gustong makatrabaho si Marian Rivera; may naisip na concept para sa posibleng proyekto nila

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa Unang Hirit ang Kapuso star na si Bea Alonzo ngayong Lunes, October 11. Dito ay ibinahagi ng aktres ang naging mainit na pagtanggap sa kaniya bilang bagong Kapuso at ang mga proyektong nakalinya para sa kaniya.

Ayon kay Bea, bukas daw siya na gampanan ang mga role na hindi pa niya nagagawa gaya ng pagiging talk show host.

“Ako kasi I’m open to different possibilities now. I don’t want to put myself in a box so I want to do different things as much as I can,” ani Bea.

Ilan sa mga Kapuso celebrity na gusto rin daw makatrabaho ng aktres ay sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, at si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

“I’m also looking forward to working with Kapuso stars that I’ve never worked before, even the younger ones like sina Ruru, sina Derrick, and siyempre kahit na sa mga babae sina Marian Rivera,” sabi ng aktres.

“I actually have a concept in mind, ikukwento ko na lang sa mga bosses… for me and Marian sana,” masayang sinabi ni Bea.

Marahil ay hindi alam ng marami, hilig rin ni Bea ang pagsusulat. Sa katunayan, sumali siya sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee noong July 2019.

Samantala, itinuturing daw ni Bea na malaking milestone ng kaniyang career ang kaniyang pagiging parte ng GMA network.

“Meron ulit ako nung drive that I have before when I was starting sa showbiz and I’m excited,” dagdag pa ni Bea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *