Bea Alonzo, excited nang makatrabaho si Alden Richards

Naka-quarantine pa sa kasalukuyan ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa isang hotel matapos dumating mula sa kaniyang bakasyon sa U.S.

Habang nakakulong sa kwarto ay nagbi-binge watch daw siya ng series at nakikipag-meetings din virtually with a lot of people.

Sinulit rin ni Bea ang kaniyang quarantine period kaya sinamantala niya ang pagkakataong makapag-work out dahil nag-gain daw siya ng weight habang nasa U.S.

Ani Bea sa isang panayam sa kaniya, “Talagang tinodo ko.

“But I don’t feel guilty kasi sobrang nag-enjoy talaga ako.”

Ayon kay Bea ay talagang napakalaki ng naitulong sa kaniya ng nasabing U.S. trip.

“Kinailangan ko talaga ‘yun. Parang feeling ko, ‘yung trip ko sa U.S. really reenergized me kasi ngayon parang I’m really ready to work, I’m ready to put myself out there and you know, share my talent, so I’m excited.”

Nagbigay rin siya ng update tungkol sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Na-delay lang daw nang kaunti because of the current situation pero sisimulan na nila next month ang taping.

“Magla-lock in na kami, I think, September 24. I’m also looking forward to that,” pagbabahagi ng aktres.

Sobrang excited daw siya dahil nami-miss na rin daw niya magtrabaho.

Bukod sa pelikulang kasama si Alden ay marami rin daw naka-line up na guestings sa iba’t ibang GMA shows.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *