Batman Begins, mas tinangkilik panoorin ng viewers sa GMA-7

Nitong nakaraang Linggo (April 19), trending sa social media ang 2005 DC movie na ‘Batman Begins’ matapos sabay na ipalabas ng ABS-CBN at GMA.

Naaliw naman ng todo ang netizens sa nangyaring pambihirang insidente dahil sabay pinalabas ang iisang pelikula sa magkabilang istasyon.

Gayunpaman, ayon sa datos ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, mas tinangkilik ng Filipino viewers ang pelikula sa Kapuso Movie Festival na nakakuha ng 7.0% laban sa 6.2% ng kabila.

Malinaw na lamang at hindi kataka-takang mas tinutukan ng viewers ang tagalized version ng GMA kaya wagi ito sa TV ratings.

Kaya naman, linggu-linggong inaabangan at hindi pinapalampas ng mga manonood ang mga pelikulang handog ng Kapuso Network habang naka-quarantine ang lahat sa loob ng kanilang mga bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *