Baka maging ‘Iglot’? Bea Alonzo, pinangangambahang magaya kay Claudine

Mainit na tinanggap ni Wowowin host Willie Revillame si Bea Alonzo sa Kapuso Network.

Masaya raw si Willie dahil makakasama na nila sa GMA-7 ang premyadong aktres.

May payo lang ang Wowowin host kay Bea na dapat daw ay marunong itong lumingon sa pinanggalingan.

Tulad ni Bea, si Willie ay nanggaling rin sa ABS-CBN kung saan yumabong nang husto ang kaniyang career.

Ang tanong ng netizens, matapatan daw kaya ng GMA-7 ang ginawang pagpapasikat ng Kapamilya Network sa career ni Bea?

Nangangamba ang ilang fans ni Bea na baka matulad ang aktres sa sinapit ni Claudine Barretto na matapos lumipat sa Kapuso Network ay walang gaanong nangyari sa career. Naging palamuti lang daw sa isang tabi.

Pero kung iispin, magkaibang-magkaiba naman si Bea kay Claudine.

Maganda rin naman ang naging simula ni Claudine noong lumipat siya sa Siete. Nabigyan siya ng sarili niyang drama anthology na “Claudine” kung saan nagampanan niya ang iba’t ibang role.

Napabilang rin si Claudine sa cast ng Christmas special series noong 2010 na “Jillian: Namamasko Po,” “Iglot,” at “Biritera.”

Naging regular host din si Claudine sa “Showbiz Central”.

Marami pa sanang naka-lineup na programa noon para kay Claudine pero nasangkot siya at ang dati niyang asawa na si Raymart Santiago sa isang kontrobersiya.

Labis na nakasira sa kaniyang imahe ang “fist fight” nina Raymart at columnist na si Mon Tulfo. Ito rin ang isa sa mga naging dahilan kung bakit hindi na ni-renew ng GMA Network si Claudine.

Well, inaabangan ngayon ng netizens kung ganoon rin ang mangyayari kay Bea.

May mga nag-react din sa inamin ni Bea sa interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad si Gerald Anderson sa ginawa sa kaniya.

Nabanggit ni Bea na naiinis pa rin siya sa nangyari at hindi rin niya alam kung bakit hindi pa maalis ang galit niya.

Sabi pa ng netizens, dapat ay mag-move on na si Bea at iwan na sa ABS-CBN ang mga hinanakit niya sa buhay, pati ang heart aches na dala ng paghihiwalay nila noon ni Gerald para totally ay maging masaya na siya.

Sabi naman ng mga fans ni Bea, bigyan daw ng panahon ang aktres na makalimot at mag-move on, ‘wag daw pilitin ang sarili na sabihing napatawad na niya si Gerald kung hindi pa bukal sa loob niya. Mas mahirap daw na i-deny ang kaniyang nararamdaman.

May ilan namang naniniwala na kaya hindi pa mapatawad ni Bea si Gerald ay dahil mahal pa niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *