Bagong Kapuso vs Bagong Kapamilya: Kaninong teleserye ang mas pinanood?

Parehong nagsimula nitong Lunes, September 13, ang Marry Me, Marry You ni Janine Gutierrez at Loving Miss Bridgette ni Beauty Gonzalez.

Ang Marry Me, Marry You ang first Kapamilya teleserye nina Janine at Sunshine Dizon na parehong galing sa GMA Network. Pawang mga bigating pangalan sa industriya ang kasama nina Janine at Sunshine sa teleseryeng ito.

Kasama ng dalawang dating Kapuso stars sina Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, Vina Morales, Edu Manzano, Lino Pimentel, Teresa Loyzaga, Jette Pangan, Joko Diaz, EJ Jallorina, Jake Ejercito, Iana Bernardez, Adrian Lindayag, Fino Herrera, Keann Johnson, Meann Espinosa, Angelica Lao, Analain Salvador, at Luis Vera Perez.

Ang romantic comedy series na ito ay idinirek nina Dwein Ruedas Baltazar at Jojo A. Saguin na under ng production unit ng ABS-CBN na Dreamscape Entertainment.

Ang Marry Me, Marry You ay tungkol kay Camille (Janine Gutierrez) na matapos mawalan ng ina dahil sa cancer ay aampunin ng tatlong pamilya.

Nang matagpuan na ni Camille ang kaniyang love of her life na si Andrei, mahaharap siya sa isang matinding desisyon at kailangan niyang pumili kung pag-ibig o pamilya.

Samantala, ang unang installment naman ng Stories from the Heart na Loving Miss Bridgette ang kauna-unahang teleserye ni Beauty matapos niyang lumipat sa GMA Network.

Gumaganap si Beauty bilang Bridgette de Leon, isang konserbatibong guidance counselor na bagong annul.

Para malimutan ang mapait na karanasan at magsimula muli, magbabakasyon siya sa sa La Cuenca.

Katambal ni Beauty sa serye si Kapuso actor Kelvin Miranda na gumaganap bilang Marcus, isang binatang may pagka-pilyo.

Sa kabila ng agwat sa kanilang edad at maging estado sa buhay, magkakaroon ng isang secret love affair ang dalawa.

Pilot Episode Ratings

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang pilot episode ng primetime series na Marry Me, Marry You ng 0.4% sa Kapamilya Channel, 1.2% sa A2Z, at 2.2% sa TV5. Kapag pinagsama-sama ito ay masasabing naka-3.9% ang bagong show ni Janine sa Kapamilya Network.

Samantala, kahit naman mas kaunti ang expected viewers sa hapon, naka-6.1% naman ang pilot episode ng Loving Miss Bridgette ni Beauty na tanging sa GMA-7 lang napapanood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *