Ashley Ortega at Pauline Mendoza, bibida sa ‘Widow’s Web’ ng GMA

Nagsimula na ang story conference para sa upcoming Kapuso series na Widow’s Web na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Pauline Mendoza.

Sa pamamagitan ng virtual meeting, nagsama-sama ang cast ng Widow’s Web at creative team upang paghandaan ang panibagong handog na ito ng GMA Drama.

Kasama sa cast ng upcoming Kapuso series sina Carmina Villaroel, Dave Bornea, EA Guzman, Adrian Alandy, Arthur Solinap, Ryan Eigenmann Vanessa Peña, Mosang, Anjay Ayson, Alan Paule, at Karenina Haniel.

Ang teleplay nito ay isinulat ng magaling na head writer ng GMA Network na si R.J. Nuevas, katuwang ang dating Kapamilya writer na si Jimuel P. Dela Cruz at iba pang magagaling na writer ng Kapuso network.

Ang Widow’s Web rin ang kauna-unahang project ng dating Kapamilya director na si Jerry Lopez Sineneng sa GMA-7.

Sa isang panayam, sinabi ni Direk Jerry na, “I am most excited with the prospect that I will be working with a group of actors, creative team, staff, and crew, whom I have never worked before.

“I believe that life is a continuous learning process, and I am excited to interact with a different brand of talents.”

Nagsimula ang TV directing career ni Direk Jerry sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Ang kaniyang first teleserye naman ay Esperanza na pinagbidahan ni Judy Ann Santos noong 1997.

Ilan sa mga notable series na dinirek ni Direk Jerry ay ang Labs Ko Si Babe (1999-2000), Basta’t Kasama Kita (2003), Hiram (2004), Maria Flordeluna (2007), Kahit Isang Saglit (2008), Dahil May Isang Ikaw (2009), Imortal (2010-2011), Walang Hanggan (2012), Huwag Ka Lang Mawawala (2013), Hawak Kamay (2014), A Love To Last (2017), Kadenang Ginto (2018), Love Thy Woman (2020), at ang kasalukuyang umeere sa Kapamilya Channel na La Vida Lena (2021).

Nakapag-direk din ng pelikula si Direk Jerry sa Star Cinema, film outfit ng ABS-CBN), kabilang ang Mara Clara: The Movie (1996), Flames: The Movie (1997), Way Back Home (2011), at Maybe This Time (2014).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *