Ariella Arida, mas piniling mag-stay sa GMA; hindi gaganap na Valentina sa ABS-CBN?

Ngayong November 19 na ang inaabangang pagpapakilala sa aktres na gaganap bilang Valentina sa Darna: The TV Series ng ABS-CBN.

Mukhang malabo ngang si Ariella Arida ang gaganap na Valentina dahil magsisimula na ang lock-in taping para sa isa na namang GMA mini-series ng Stories from the Heart, ang The End of Us.

Pagbibidahan ito nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, kasama sina Ariella, Andrew Gan, at Karel Marquez. Ang direktor naman ng katatapos lang na Legal Wives na si Direk Zig Dulay ang magdidirek ng bagong mini-series na ito.

Samantala, nagsimula na kahapon ang taping ng Darna: The TV Series sa ABS-CBN Studios, Inc. sa Quezon City at sa darating na Biyernes naman ipakikilala ang aktres na gaganap sa archenemy ni Darna na si Valentina.

Ilan sa mga aktres na napipisil ng mga manonood na gumanap na Valentina ay sina Ariella Arida na umaming pinag-audition for the role, Ivana Alawi, Jackie Rice, Denise Laurel, Lovi Poe, at Janine Gutierrez.

Dahil tapos na ang lock-in taping ng Marry Me, Marry You, may chance na gumanap si Janine bilang Valentina. Ang kaso nga lang, hindi rin ganu’n humatak ang unang Kapamilya primetime series na pinagbidahan niya.

Hindi pa nagsisimula ang lock-in taping ng upcoming primetime series ni Lovi na Flower of Evil kaya meron din posibilidad na siya ang mapili, pero baka maging alanganin ang starring role niya sa Flower of Evil sakaling mag-flop ang Darna: The TV Series.

Ito na siguro ang magiging biggest break sa showbiz ni Denise Laurel kung siya ang papalaring mapili na gumanap na Valentina, pero aminin na natin na medyo lumipas na ang kasikatan ni Denise.

Samantala, alam naman natin na may comorbidity ang kapatid ni Ivana kaya pinili niyang ‘wag muna gumawa ng teleserye. Pero dahil medyo lumuluwag na rin ang health protocols, baka sakaling tanggapin na niya ito, tutal siya naman ang paborito ng marami na gumanap na Valentina.

Isa pa sa napapabalitang napipisil na gumanap sa role ay ang Kapuso actress na si Jackie Rice. Wala na siya sa GMA Artist Center, wala na rin siya sa cast ng upcoming Kapuso series na Artikulo 247, at wala rin siya sa Christmas Station ID ng GMA Network. Mukhang siya ang may pinakamalaking chance na gumanap na Valentina sa mga nabanggit na aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *