Angel’s Last Mission, pinusuan ng netizens!

Nagsimula nang umere sa GMA-7 ang inaabangang Koreanovela ni Kim Myung-Soo na Angel’s Last Mission noong Lunes, January 27.

ALSO READ: Angel’s Last Mission, mapapanood na sa GMA-7

Pinalitan ng Koreanovelang ito ang Lakorn o Thai Series na Wicked Angel na nagwakas noong Huwebes, January 23.

Magkasabay na umere noong Lunes ang pilot episode ng Angel’s Last Mission sa GMA at ang Story of Yanxi Palace na ipinapalabas naman sa ABS-CBN.

Noong January 21, tinanong namin ang mga Ka-Boredmate namin kung ano ang papanoorin nila sa dalawang Asianovela.

Sa kasalukuyan, nakakuha ng 116 votes ang Angel’s Last Mission at meron namang 5 votes para sa Story of Yanxi Palace.

Ganun din kaya ang pulso ng mga manonood?

Angel’s Last Mission TV Ratings

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakakuha ang pilot episode ng Angel’s Last Mission ng 4.0%. Mas mataas ito kumpara sa nakuha ng Story of Yanxi Palace na nakapagtala ng 3.9%.

Sa ikalawang araw naman (January 28), mas tumaas ang nakuhang rating ng Angel’s Last Mission. Nakapagtala ito ng 4.5% na rating, samantalang bumaba naman ang Story of Yanxi Palace na nakakuha ng 3.8%.

Tila magandang laban ito sa pagitan ng dalawang Asianovela. Magtuluy-tuloy kaya ang pamamayagpag ng GMA Heart of Asia sa ratings?

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *