Angel’s Last Mission, mapapanood na sa GMA-7

Magbabalik Kapuso na ang Hallyu star na si Kim Myung-Soo, na member ng K-pop group na Infinite, sa¬†Angel’s Last Mission. Unang napanood si Kim Myung-Soo bilang batang Johann sa The Master’s Sun.

Huling napanood si Kim Myung-Soo sa GMA bilang Lee Sun sa Korean epic drama series na Emperor: Ruler of the Mask.

Nakatanggap ng parangal ang Angel’s Last Mission mula sa Korean Ballet Association para sa pagpapalaganap nito ng kamalayan tungkol sa ballet.

Abangan si Myung-Soo bilang si Dan, isang optimistic at pilyong anghel na mapaparusahan at magiging fallen angel.

Para makabalik sa langit, kailangan ni Dan na hanapan ng true love si Heaven (Shin Hye-Sun), isang talented ballerina na naging mapait ang pananaw sa pag-ibig simula nang mabulag ito.

Samantala, ang mentor naman ni Heaven na si Michael (Lee Dong-Gun), unti-unting mahuhulog kay Heaven, ngunit may tinatago itong sikreto – isa rin pala siyang fallen angel tulad ni Dan.

Makuha kaya ni Heaven na magmahal muli? At ang fallen angel na si Dan, magtagumpay kaya sa mission o makahanap ng sarili niyang Heaven sa lupa?

Wag palalampasin ang Angel’s Last Mission sa GMA-7 na mapapanood na ngayong January 27 sa GMA Telebabad.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *