Angelica Panganiban, umani ng batikos dahil sa kanyang Wise Voting Campaign

Ikinagulat ng mga netizens ang biglaang pag-a-upload ng Young Public Servants (YPS) ng kanilang video na pinangunahan ng aktres mula sa ABS-CBN na si Angelica Panganiban.

Ang video ay naghatid ng malalim na komunikasyon patungkol sa wise voting o tamang pagpili ng ibobotong public servant ngayong darating na #eleksyon2022.

Nagsimula ang video sa pagkukwento ng aktres patungkol sa kanyang mga karanasan sa pag-ibig, na kalaunan ay ikinonekta nito sa tamang pagboto. Syang dahilan ng pambabatikos ng mga nakakarami ‘di lamang sa aktres kundi pati na rin sa nasabing facebook page na YPS.

Marami ang nagsabi na ang tamang pagboto ay malayo sa buhay pag-ibig, lalo na kung sa buhay pag-ibig ng aktres ito ihahalintulad, na kung matatandaan, ay naging ugat ng maraming kontrobersya sa career nito.

Basahin ang ilan sa mga sagot ng mga netizens mula sa ibat ibang panig ng netizens:

May mga sumang-ayon din naman sa mga pahayag ng aktres mula sa post ng YPS Facebook page, basahin:

Ang YPS naman ay isang group na itinatag noong taong 2014. Nakasama na rin nila sa iba’t ibang events ang USAID at Rappler. Kung hahalungkatin ang kanilang mga lumang posts at pictures, makikitang sila ay kontra-Marcos.

Kung tatanungin, sa pananaw ng isang mambabasa, batid ko na hindi sila masyadong conscious na matawag na “biased.” Kung iisipin base lamang sa kanilang mga larawang ibinabahagi sa social media ay mayroon na silang pambato sa nalalapit na eleksyon.

Ito ang ilan sa kanilang mga lumang larawan:

Ito ang ilan sa kanilang mga naging proyekto na naglalayong kumustahin ang mga kabataan mula edad 18 pataas patungkol sa karapatang pantao.

Sang-ayon ang Bored Productive sa tama at matalinong pagpili ng ibobotong public servant sa darating na halalaan. Pero ibabatay namin ang aming desisyon sa makabuluhang pamantayan at hindi sa aming lablife. Sana kayo din!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *