Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal na!

Ikinasal na sina Angel Locsin at Neil Arce sa isang civil wedding na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano last week.

Nito lang Sabado, August 7, 2021, ipinost ng bagong kasal ang kanilang wedding photos, pati na rin ang vlog na pinamagatang “Lipat Bahay Gang,” kung saan inanunsyo sa dulo na, “We are married!!!!!”

Ayon sa isang post ng Nice Print Photo sa Instagram, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_are Civil wedding done”

Sabi naman ni Angel sa kaniyang Instagram, “and just like that

“Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig”

Binati ang dalawa ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana sa kaniyang Instagram.

Ayon sa aktres, “In case you missed the end of their VLOG. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin”

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa sa post ni Angel.

Ilang beses nang naurong ang kasal nina Angel at Neil.

Dapat ay noong November 8, 2020 pa ikakasal ang dalawa ngunit na-postpone ito dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 virus.

Noong February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.

Isang taon at apat na buwan ang lumipas, nag-propose si Neil kay Angel noong June 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *