Andrea Torres, umaasang matuloy ang sitcom nila ni John Lloyd

Napaulat na nanatiling hopeful ang Kapuso actress na si Andrea Torres na anytime soon ay makakatanggap na siya ng balita mula sa GMA bosses tungkol sa proyektong pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz.

Ang sitcom na wala pang tiyak na titulo ang magiging kauna-unahang project ni John Lloyd sa Kapuso network sakaling matuloy ang pagiging Kapuso niya.

Kaka-renew lang ng kontrata ni Andrea sa GMA Artist Center. Isa rin siya sa mga bida ng Legal Wives, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali.

Matutuloy na sa wakas ang premiere telecast ng Legal Wives sa July 26, na makailang beses na rin nausog ang pilot airing.

Samantala, nagsimula na Johnny “Mr. M” Manahan bilang consultant ng GMA Artist Center.

Ayon sa isang source, isa siya sa mga “makikisawsaw” sa casting ng mga proyektong binubuo.

Nilinaw rin ni Mr. M na dapat priority ang mga home grown talent bago ang ibang galing sa kabilang network.

Isang linggo matapos pormal na ipakilala si Mr. M bilang bagong Kapuso, okay naman daw sa GMA Artist Center ang mga suhestiyon ni Mr. M at kailangan lang daw ma-meet ang lahat ng mga artista ng naturang talent management arm ng GMA Network.

Isa sa mga natuwa sa pagpasok ni Mr. M sa Kapuso network ay si Andrea Torres na dati ring nasa Star Magic.

“I’m sure his transfer will not only bring positive changes to the network but also in the lives of the artists here in GMA,” ayon kay Andrea nang hingan siya ng reaksyon sa paglipat ni Mr. M sa GMAAC.

Samantala, kasama si Andrea sa magagandang plano ng GMA-7 at isa na nga rito ang sinasabing sitcom na maaaring pagsamahan nila ni John Lloyd Cruz pero wala pang official announcement ang network at kung talagang tuloy na ito.

Sa ngayon ay naka-focus muna ang Kapuso actress sa Legal Wives at gustung-gusto niya ang kaniyang karakter na si Dianne San Luis na isang Kristyano na makakapangasawa ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), isang Muslim.

Sa July 26 na magsisimula ang Legal Wives, pagkatapos ng The World Between Us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *