Andoy Ranay sa pananatili sa ABS-CBN: “Aanhin mo ang franchise kung basura ang trabaho?”

Ginunita ng mga naiwang Kapamilya stars at mga empleyado ang unang anibersaryo ng pagbasura Kongreso sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

Isa sa mga nakiisa rito ang Kapamilya director na si Andoy Ranay.

“A year ago, I remember it was the most difficult time working because we were working that time, we’re finishing the one with Kim Chiu,” pahayag ng direktor.

“We’re finishing that and we were the first ones to go back to work. Unfortunately, we were in [ABS-CBN] that time.

“It was the most difficulat time and it was the most painful because you know, you’re working for that company you love, you’re working for the people you love, you’re working for your family and then done!

“And looking at it, I know it’s not going to be easy for everyone especially ‘yung mga katrabaho namin na hindi na namin makikita ulit or sa ibang kumpanya na nagtatrabaho pero since maliit naman ‘yung industriya natin, nakikita mo pa rin sila pero hindi na sila Kapamilya,” aniya.

Dagdag pa niya, “But the best part is the reason why I stayed and continue serving with ABS-CBN is because I believe the content that ABS-CBN is producing no matter what, may franchise o wala is world-class quality.

Tila nagparinig naman siya sa ibang network na may prangkisa pero tinawag niyang “basura naman ang trabaho.”

Pahayag ng La Vida Lena director, “‘Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean ‘di ba?

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho pero alam mo na ‘yung quality ng trabaho ‘yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience. Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo.”

Sa ABS-CBN nagsimula ang directorial career ni Andoy. Ilan sa kaniyang mga nagawang serye noon sa ABS-CBN ay Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001-2003) at Marina (2004) with Wenn Deramas, ‘Til Death Do Us Part (2005) with John-D Lazatin, at Prinsesa ng Banyera (2007-2008) with Rechie del Carmen.

Lumipat naman ang direktor sa GMA Network noong 2009 at nanatili ng anim na taon.

Marami-rami rin siyang nagawang teleserye sa Kapuso Network kabilang na ang Stairway to Heaven (2009), Endless Love (2010), I Heart You Pare! (2011), Legacy (2012), One True Love (2012), Mundo Mo’y Akin (2013), Ang Dalawang Mrs. Real (2014), at iba pa.

Iniwan naman niya ang GMA at bumalik sa ABS-CBN noong 2015.

Sa kaniyang pagbabalik-Kapamilya, ilang episodes ng Ipaglaban Mo at Wansapanataym naman ang kaniyang naging proyekto.

Co-director din siya ng Till I Met You (2016-2017), The Good Son (2017-2018), Sino ang May Sala? Mea Culpa (2019), at Love Thy Woman (2020).

Sa ngayon ay siya ang direktor ng second season ng La Vida Lena na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Umeere ang teleserye sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.

Si Direk Andoy din ang manager ng aktor na si JC Santos na isa ring certified Kapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *