Anak ni Waray vs Anak ni Biday, ngayong Enero na!

Mula pagkabata hanggang sa kanilang pagtanda, paanong ang matalik na magkaibigan ay magiging mortal na magkaaway?

Sa ika-70 taong aniversaryo ng GMA Nework, inihahandog ng GMA Entertainment Group ang TV adaptation ng 1984 hit movie na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Bibida sa teleserye ang teen stars na sina Barbie Forteza at Kate Valdez. Kasama rin ng dalawa sina Ms. Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie, Jay Manalo, Teresa Loyzaga, Migo Adecer, at Faith Da Silva.

Gaganap rin bilang batang Susie (Dina Bonnevie) at Amy (Snooky) sina Lovi Poe at Max Collins. Si Jason Abalos naman ang gaganap bilang batang Joaquin (Jay Manalo).

ALSO READ: Dalawang Klasikong pelikula, magkakaroon ng TV Adaptation

Malapit nang umere ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad. Papalitan nito ang Beautiful Justice na matatapos na ngayong Enero.

Nakatakda na ring magwakas ngayong 1st quarter ang The Gift at Beautiful Justice. Papalitan naman ang mga ito ng Love of My Life at ng local adaptation ng Descendants of the Sun.

Mapapanood na ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad ngayong January 27.

Stay tuned Boredmates! Like our Facebook page to keep updated with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our future videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *