Amazing Earth at iba pang GMA weekend shows, amazing ang ratings!

Ang taas ng nakuhang TV ratings ng Amazing Earth ng Primetime King ng GMA na si Dingdong Dantes.

Ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines, nakakuha ang informative TV program ni Dingdong ng 10.4% laban sa 7.8% ng Rated K (ABS-CBN) at 8.2% ng Your Moment (ABS-CBN).

Hindi lamang Amazing Earth ang panalo nitong weekend dahil karamihan ng Kapuso shows ang wagi rin sa ratings.

Noong Sabado, January 18, naka-7.7% ang 24 Oras laban sa 5.6% ng Kuha Mo at 7.6% ng TV Patrol.

Ang Pepito Manaloto naman ay naka-10.3% versus 8.4% ng Home Sweetie Home.

Ang Daddy’s Gurl ay naka-10% laban sa Your Moment na 8.5%.

Wagi pa rin ang Magpakailanman na naka-10.6%, at 9.2% ang Maalaala Mo Kaya.

Bida sa Magpakailanman ang real-life couple na sina Max Collins at Pancho Magno. Samantala, ang Darna star naman ng Star Cinema ang bumida sa episode ng MMK noong Sabado.

Noong Linggo naman, January 19, panalo ang All-Out Sundays na nakakuha ng 5.3% at ang katapat naman nitong ASAP Natin ‘To ay nakakuha lang ng 4.4%.

Pati ang kasunod na programa na Dear Uge ay mataas rin ang nakuhang ratings. Nakakuha ang Dear Uge 4.9% laban sa Banana Sundae na naka-4.5%.

Dumikit din ang GMA Blockbuster na 5.2% sa FPJ on ABS-CBN na 5.3%.

Hanggang sa primetime noong Linggo ay tuluy-tuloy na mataas ang mga Kapuso show.

Naka-6.3% ang 24 Oras versus 5.4% ng TV Patrol.

Sobrang taas din ang Daig Kayo ng Lola Ko na may 12%, at 6.4% ang The Haunted.

Hindi rin matinag-tinag ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 16.3%, at 5.4% lang ang Kapamilya Super Blockbuster.

Pati ang The Boobay and Tekla Show ay mataas pa rin na may 4.5%, at 3.9% ang Gandang Gabi Vice.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *