Aljur Abrenica: “Si Kylie ang unang nangaliwa”

Nagsalita na ang kontrobersyal na aktor na si Aljur Abrenica patungkol sa umiikot na isyu sa kanila ng dati niyang asawa na si Kylie Padilla. Ayon sa aktor, si Kylie umano ang naunang “mag-cheat” o mangaliwa sa kanilang relasyon na siyang ikinagulat ng mga netizen.

Sa Facebook post ng aktor noong ika-19 ng Oktubre, hinikayat pa niya ang aktres na magsabi ng totoo. Sinabi pa ni Aljur na gusto niyang malaman ng mga tao ang katotohanan na si Kylie ang unang nagtaksil sa kanilang dalawa, at hindi sya.

Nagpahayag din ng saloobin ang Kapamilya actor patungkol sa mga nambabato sa kaniya ng masasakit na komento online. Hindi raw sya namumuhi o masyadong naaapektuhan dahil alam niya na wala lang alam ang mga ito sa mga totoong nangyari sa pagitan nila ng dati nyang asawa na si Kylie.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them do it for our children. After so many years will you allow our children [to] let them believe this story that you and dad left for me? At first, it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?”

Nag-post naman si Kylie sa kanyang social media account sa Instagram ng hindi direkta ngunit palaisipang sagot sa mga akusasyon na ito ng aktor.

IG Story: @kylienicolepadilla

Hati ang mga tugon ng mga netizen sa pasabog na ito ng aktres. Pero namukod tangi ang tugon ni Xian Gaza patungkol sa sagutan ng dating mag-asawa. Sa post na ito ng kontrobersyal na businessman and online personality, binansagan nya ang kanyang sarili na “Pinaka Marites na lalaki sa bansang Pilipinas.”

Ayon pa kay Gaza, involved sa issue ang Kapamilya actor na si JM de Guzman na maaaring 10% na totoo at 90% na hindi. Meron ding nasasangkot na isang tattoo artist na nahuli umano na kahalikan ng aktres. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong detalye patungkol sa kwentong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *