Alden Richards, mga bigatin ang kasama sa bagong serye

Ginanap kahapon ang presscon ng upcoming series ni Alden Richards na The World Between Us.

Bukod kina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, makakasama rin sa serye ang mga batikang aktres na sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, at Glydel Mercado.

Mukhang napaka-exciting ng serye na ito na talagang pinagtuunan nang husto ni Alden kahit pa napakarami niyang side projects na ginagawa.

Hindi siya nagpaapekto sa pandemya at todo kayod para lang mapasaya ang kaniyang fans.

Bukod sa napaka-professional, magaan daw katrabaho si Alden ayon sa kaniyang co-stars at walang dudang napakahusay niyang artista.

Lahat na ata ng magagandang bagay ay nakuha na ni Alden dahil na rin sa pagiging mabuti niyang tao, kaya naman ang suwerte na ang lumalapit sa kaniya.

Siguradong marami nang nasasabik sa serye na ito na binigyan ng kakaibang twist ng GMA-7.

Tampok rin sa serye sina Kelley Day at ang nagbabalik-Kapuso na si Sid Lucero.

Nakatakdang pumalit ang The World Between Us sa top-rating primetime series na First Yaya.

One thought on “Alden Richards, mga bigatin ang kasama sa bagong serye

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *