Alden Richards, isa sa mga ‘signs’ na natanggap ni Kuya Kim kaya lumipat sa GMA-7

Isa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa ibinigay umanong “sign” kay Kim Atienza para tanggapin ang offer ng GMA-7.

Inamin ng TV host na humingi rin siya ng mga sign para sa isa sa pinakamahirap na desisyong gagawin niya na may kinalaman sa kaniyang career.

Sa panayam ng media kay Kuya Kim, inamin niyang wala naman daw talaga siyang plano noon na lumipat sa GMA-7 dahil unang-una ay wala naman daw offer noon ang GMA Network.

Ngunit nang makatanggap na siya ng mensahe mula sa mga executive ng Kapuso network, doon na siya nanghingi ng payo at guidance mula sa kaniyang mga kapamilya at kaibigan.

“I was asking them, ‘What will people think if I transfer? Is it okay to transfer, to consider other options? Those [friends] said, ‘Of course, people will understand’,” pahayag ng TV host.

At habang pinag-uusapan nga raw nila ang tungkol sa offer ng GMA, isang personalidad mula sa Kapuso network at biglang lumapit at bumati sa kaniya.

“While we were discussing my move to GMA-7, someone calls my name then I look. He was wearing a mask, he came from the gym upstairs. It was Alden Richards!

“Sabi nu’ng dalawang kasama ko, ‘Kim, ‘di ba sign ‘yon? Pinag-uusapan natin GMA and then bumaba si Alden.’ Sabi ko, ‘Oo nga’,” pagbabahagi ni Kuya Kim.

Kuwento pa ng bagong Kapuso host, ilang sandali lamang ang lumipas matapos silang magkita ni Alden, tumawag naman sa kaniya ang kaibigan niyang si Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz.

Bukod pa rito, nakatanggap din siya ng surprise call mula kay GMA Films President Annette Gozon-Valdes. At dito na nga napagtanto ni Kuya Kim na mukhang pinalilipat na nga siya ng tadhana sa GMA.

“All in that same day, kinikilabutan ako. Sabi ko, ‘Lord, yung signs na binigay mo, ang linaw!'” aniya pa.

Maayos naman daw ang naging pamamaalam at pag-alis niya sa ABS-CBN. Aniya, “I was able to say goodbye properly. They took it well.”

Tatlong project aga ang ibinigay ng GMA management kay Kuya Kim. Nariyan ang 24 Oras at Mars Pa More sa GMA-7, at ang bagong programang Dapat Alam Mo sa GTV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *