Alden Richards, bibida sa isang Thai movie?

Mukhang hindi na paaabutin nang matagal ni Alden Richards at ng GMA Network ang announcement ng special project ng aktor dahil naglabas na ang network at nag-post na rin si Alden ng teaser.

“Asia’s Multimedia Star Alden Richards shares teaser of a special project. Stay tuned for more details,” ang nakasulat na caption sa Instagram post ng Kapuso PR Girl at GMA Pinoy TV.

Hindi naman ito ishinare ng GMA Pictures kaya mukhang iba pa ito sa gagawing pelikula ni Alden at Bea Alonzo.

Maiksing “Where to?” naman ang caption sa post mismo ni Alden, kaya tingin ng netizens ay sa ibang bansa gagawin ang proyektong ito.

Nabanggit minsan ni Alden na bigger than a concert ang iaanunsyo niya, kaya ang paniwala ng fans, international movie ito o ‘di kaya’y movie o drama series na collaboration ng GMA at ng Thailand.

Kung hindi pa siguro nakapag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center si Alden, iisipang lilipat siya ng management sa Cornerstone ni Erick Raymundo. Namataan kasi si Alden sa office ng management company at game pang nakipag-picture kasama ang isang kaibigang nakita sa office.

Samantala, hindi pa rin ina-announce ng GMA-7 ang eksaktong date ng pagbabalik ng The World Between Us, pero alam na ng fans ng aktor na sa November 22 na ang balik-airing nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *