Aiko Melendez, iniwan na ang ‘Prima Donnas Season 2’

Nag-file na rin ng kaniyang candidacy sa pagka-Councilor muli ang Kapuso actress na si Aiko Melendez para sa District 5 ng Quezon City.

At kasabay nito, sinagot ni Aiko sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account ang mga paratang sa kaniya, isa na rito ang sinasabi ng ilan na kaya raw siya nagbabalik sa politika ay dahil naghihirap o wala na siyang projects.

“Hindi ko papasukin ang public service dahil ako ay walang kasiguruhan sa mundo na kung saan ako galing. Sa katunayan nga saksi ang GMA-7 family ko na iiwan ko ang ‘Primadonnas’ at masakit man sa puso at kalooban nila mawawala ako sa show, at aalis dahil papasukin ko muli ang mundo ng public service.

“Nakatapos ako ng 2 pelikula ngayong pandemic me iniwan ako na show na hanggang next year. Hindi ako naghihirap pero di ko din masasabi na mayaman na mayaman ako. Modesty aside po matagal na ako sa industriya galing ako sa mga soap operas na nagtagal pareho sa ere. Madami na ding nagawang pelikula. May mga endorsements at higit sa lahat hindi po ako nawawalan ng proyekto.”

Bago nag-file ng candidacy si Aiko, nag-post din siya tungkol sa mga namba-bash sa kaniya dahil suportado niya ang renewal of franchise ng ABS-CBN.

Saad niya sa kaniyang Facebook post kahapon, October 5: “Ano naman ang ikinasama kng supportado ko ang pagbubukas ng Abs CBN kng sakali man mabigyan ng franschise ito muli sa susunod na taon?

“Hindi ba dapat matuwa tayo na madami uli ang magkakaroon ng pagkakataon magkaroon ng trabaho sa gitna ng pandemya? Asa GMA7 man ako ngayon but even before na sinara ang Channel 2 i have been vocal na naawa ako sa mga kaibigan ko sa industriya na nawalan ng trabaho?

“Anong masama na maghangad ka ng kabutihan sa mga taong magkakaroon uli ng trabaho? Kailanman ang GMA 7 di kami pinagbawalan na magbigay ng komento about sa kabilang network.

“Malaki ang utang na loob ko po sa DOS kasi maraming pagkakataon tinulungan nila ako na magkawork. Kaya wag nyo alisin ang opinion ko sa pagsupporta dito. Mas madaming networks mas marami ang magkakatrabaho.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *