Aicelle Santos, excited na makatrabaho si Pops Fernandez

Hindi maitago ni Aicelle Santos ang kanyang galak nang malaman n’yang makakasama n’ya sa Centerstage ang kanyang idolo na si Concert Queen Pops Fernandez.

Ang musical game show na Centerstage ang comeback project ng Concert Queen sa telebisyon matapos ang matagal na panahon.

Makakasama rin nina Pops at Aicelle ang musical director na si Mel Villena na nagbabalik rin sa Kapuso Network. Nakilala si Mel bilang conductor sa The Singing Bee ng ABS-CBN at ng Coca-Cola Ride to Fame na ipinalabas naman sa GMA-7.

ALSO READ: Pops Fernandez, balik sa GMA-7

Aicelle Santos, Pops Fernandez, and Mel Villena

Na-interview ng Showbiz Reporter ng GMA News na si Nelson Canlas si Aicelle Santos kung saan ni-reveal ng singer na ang kanyang pamilya ay big fan sila ng Concert Queen.

Ayon sa singer, “I was telling her, I grew up with my family being big fans talaga ni Ms. Pops. So I’m very honored to be working with her.”

Abalang-abala rin ang Kapuso Singer sa paghahanda sa nalalapit n’yang concert kasama sina Christian Bautista at Mark Bautista.

Magdadala ng kilig ang tatlong Kapuso Singers sa pamamagitan ng mga awitin ngayong Love Month. Mapapanood ang ‘1 for 3’ concert ngayong February 1 sa The Theater at Solaire.

Ibinahagi rin ni Aicelle ang mga napag-uusapan nilang tatlo habang naghahanda sa kanilang concert. Sabi ng Kapuso Diva, “Actually excited kami na magse-share kami ng isang stage for the very first time.

“Pinag-uusapan namin, halos magkakasabayan kami, pare-pareho kaming nagsimula sa singing contest, and then we have our own journeys. Personal man o career. Some went abroad, some did musicals. So I think this will be a good collaboration.”

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *