ABS-CBN, tuloy ang “cost cutting” para maibsan ang pagkalugi

Unti-unti nang lumiliit ang pagkalugi ng ABS-CBN Coroporation na natamo nito mula nang bawian ng kongreso ang dating broadcast giant ng legislative franchise.

Sa unang kalahati pa lang ng taong ito, nakapagtala na ng P3.4 bilyong net loss ang kumpanya.

ALSO READ: ABS-CBN, mataas pa rin ang net loss sa Q2 ng 2021

Ayon sa isang disclosure sa Stock Exchange ngayong Martes, November 16, iniulat ng ABS-CBN Corp. ang kanilang Quarterly Report para sa nagdaang tatlong buwan (Q3).

Sa unang tatlong buwan ng 2021, nakapagtala na ng P3.8 billion na net loss ang ABS-CBN, mas maliit ng 48.4% kumpara noong nakaraang taon. P386.8M lang ang naitalang net loss ng kumpanya para sa Q3 ngayong taon.

Net loss (2021)
Q11.96B
Q21.44B
Q3386.8M

Bumagsak naman ang advertising revenue ng ABS-CBN ng 35.5% (kumpara noong nakaraang taon) o P3.8 bilyon sa nakalipas na siyam na buwan.

Para maibsan ang labis na pagkalugi, patuloy ang paghihigpit ng sinturon ang ABS-CBN sa pamamaigtan ng cost cutting measures kabilang na ang pagbabawas ng production costs.

Sa unang siyam na buwan, makikita sa datos na ang general and administrative expenses ay bumaba sa 36.4% year-on-year to P5.65 billion.

Ang media company na pagmamay-ari ng mga Lopez ay patuloy na pinapalawak ang kanilang digital presence para maka-survive, pero ang shift na ito ay hindi pa rin nakakatulong upang kumita.

Sources:
PSE Disclosure Form 17-2 – Quarterly Report
GMA sustains winning streak; ABS-CBN trims losses

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *