ABS-CBN’s Statement on Eddie Garcia’s passing

ABS-CBN released a statement on the passing of veteran actor Eddie Garcia. The Press statement was published on Instagram by ABS-CBN PR Team (@abscbnpr) at 2AM today, June 21.

Here’s the full statement of ABS-CBN:

“Ang ABS-CBN ay nakikiisa sa buong bayang nagluluksa sa pagpanaw ng isang alamat na si Eddie Garcia.”

“Ang ating Tito Eddie, na may tunay na pangalang Eduardo Verchez Garcia, ay kilala bilang isa sa mga pinaka-premyadong aktor at direktor sa Philippine television and cinema.”

“Isa naming karangalan na si Tito Eddie ay naging bahagi ng aming pamilya. Siya ay hinangaan sa kayang katangi-tanging pagganap sa mga TV show tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Wansapanataym, Nathaniel, Give Love on Christmas: The Gift Giver, Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Honesto, Juan dela Cruz, at Maalaala Mo Kaya.”

“Nagmarka rin ang kanyang pagganap sa mga pelikula ng ABS-CBN katulad ng Bwakaw, Ang Panday, Praybeyt Benjamin, at iba pa.”

“Si Tito Eddie lang ang tanging indibidwal na hinirang sa tatlong kategorya ng Hall of Fame sa FAMAS: Best Actor, Best Supporting Actor, at Best Director.”

“Sa mahigit pitong dekada at 600 pelikula, ipinakita ni Tito Eddie ang kanyang ibayong husay at propesyonalismo sa trabaho. Sanay’s mabigyan namin ng sapat na pagpupugay ang kanyang talento at pagiging mabuting tao.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *