ABS-CBN franchise, pinapabawi na ng OSG sa Supreme Court

Maghahain ng reklamo sa Supreme Court ang mga abogado ng gobyerno para kanselahin ang legislative franchise ng giant broadcast networ na ABS-CBN.

Ayon sa article ni Jomar Canlas sa The Manila Times ngayong araw, January 16, ang Office of the Solicitor General (OSG) ang nakatakdang magsampa ng reklamo ukol dito sa Supreme Court.

Natapos na umano ang draft petition ng OSG tungkol sa reklamong nakatakdang isampa sa Supreme Court anumang araw mula ngayon.

Nakatala pa sa kanilang ulat, “petition for quo warranto” ang reklamong isasampa ng OSG sa Kataastaasang Hukuman.

Pangungunahan daw ni Solicitor General Jose Calida ang pagsasampa ng reklamong ito laban sa ABS-CBN.

Ayon pa sa report, may nilabag diumano ang network sa “terms and conditions” ng kanilang prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso.

Sa ilalim ng Rule 66 ng panuntunan ng korte, ang legislative franchise ng isang korporasyon o organisasyon ay maaaring kanselahin kapag may mga paglabag o maling nagawa ang mga ito.

Nakasaad sa ulat: “There were several violations filed by ABS-CBN in their legislative franchise.

“A petition will be filed before the Supreme Court to revoke its grant.”

Hindi naman daw idinetalye ng kanilang source kung anu-anong paglabag ang mga ito.

Pirmado na raw ni Solicitor Calida at Assistant Solicitor General ang draft petition.

ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Nakatakdang mag-expire sa March 30, 2020 ang prangkisa ng ABS-CBN.

Noong 17th Congress, hindi natalakay ang panukalang batas (House Bill 676) na inihain ng Nueva Ecija Representative na si Micaela Violago sa House Committee on Legislative Franchises.

ALSO READ: House of Representatives freezes ABS-CBN franchise bill

Hindi raw kasi kumilos ang Committee on Legislative Franchises dito dahil sa alitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamunuan ng ABS-CBN.

Ito ay matapos hindi iere ng broadcast giant ang political ads ni Duterte noong 2016 Presidential Elections kahit bayad na umano ito.

Sa ngayon, may halos siyam na panukalang batas ang inihain sa Kongreso upang magarantiyahan ng panibagong 25-year franchise ang ABS-CBN.

Pero sa pagbubukas pa raw ng sesyon ng Kongreso sa January 20 makakalendaryo ang pagtalakay rito.

May isa namang kahalintulad na panukalang batas ang inihain ni Senator Ralph Recto sa Senado.

May ilang artista na rin ang nakiusap kay Presidente Duterte upang payagan nito ang franchise renewal ng network.

Kabilang sa kanila ang mga singer na sina Yeng Constantino at Sharon Cuneta.

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

One thought on “ABS-CBN franchise, pinapabawi na ng OSG sa Supreme Court

  • January 17, 2020 at 8:26 am
    Permalink

    Kaysa talakayin Yan unahin muna nilamga nasalanta ng taal mas may kwenta Yun

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *