Abonado pa: ABS-CBN, inilabas na ang annual financial report

Inilabas na ng ABS-CBN Corporation ang kanilang Annual Report para sa taong 2020 ngayong araw, June 8.

Ayon sa kanilang income statement, 50% ang ibinaba ng revenue ng ABS-CBN noong nakaraang taon. Kumita ang kumpanya ng P21.42B, mas mababa kumpara sa P42.83B noong 2019.

Mas mataas naman ang expenses ng ABS-CBN kumpara sa kanilang revenue. Sa taong 2020, gumastos ang network ng P33.54B, bahagyang mas mababa sa P42.4B noong 2019.

Dahil sa mas malaking gastos, lumobo sa P13.53B o 400% ang kabuuang lugi ng ABS-CBN. Mas mataas ito sa net loss ng ABS-CBN noong 2019 na P2.6B.

Nagbayad ang ABS-CBN ng P1.1B separation benefits para sa kanilang mga empleyado. Nagbawas rin ng mahigit 4,500 trabaho, kabilang na ang 2,674 regular employees.

Samantala, patuloy na binabayaran ng ABS-CBN ang kanilang long-term na utang sa mga lending companies na halos P27 bilyon.

Nauna nang nag-sumite ng Petition for Certiorari ang ABS-CBN Corporation noong May 2020 laban sa Cease and Desist Order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC) na pagpapatigil sa ABS-CBN na mag-broadcast sa Free TV.

Sinabi ng ABS-CBN na mahihirapan silang bayaran ang kanilang mga utang dahil malaking kawalan ang kita nila sa Free TV.

Nakasaad sa petisyon na, “ABS-CBN is losing 30 to 35 million every day that it is off the air. While its most immediate loss would be loss of advertising revenues, ABS-CBN risks incurring a lot more.

“Because of the [Cease and Desist Order], ABS-CBN will not be able to service its debts, and this would constrain creditors to require collateral for its loans.

“ABS-CBN has P16 billion in short-term liabilities due this year and P26.5 billion in long-term liabilities.”

Hindi naman tinatakbuhan ng ABS-CBN Corporation ang kanilang loan obligations kahit hirap na silang magbayad. Sa katunayan, nagkaroon na ng kasunduan ang ABS-CBN at ang mga pinagkakautangan nito sa isang mortgage and security interest over ABS-CBN’s real properties and equipment sa Mega Manila.

Hindi nga lang idinetalye ng network kung anu-anong properties ang sakop ng collateral.

Samantala, mukhang unti-unti nang nakakabangon ang network sa unang tatlong buwan nitong 2021.

Nakatulong ang blocktime agreement ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11 para makapagpasok ng P1B revenue noong Q4 2020. Nakadagdag din ng P120M ($5.67M) ang international content distribution sa revenue.

Nakapagpasok naman ng P673M ang online streaming at ang blocktime agreement sa A2Z sa Q1 2021 revenue ng ABS-CBN.

P1.94B na lang ang lugi nito, kumpara sa P6.27B na lugi ng kumpanya noong huling quarter ng 2020.

Sources:

One thought on “Abonado pa: ABS-CBN, inilabas na ang annual financial report

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *