7 GMA shows pasok sa Top 10 ng NUTAM

Waging-wagi sa ratings ang mga programa ng GMA-7 mula January 20 hanggang 26.

Sa katunayan, pitong programa ng GMA ang nakapasok sa Overall Top 10 Programs ng Nielsen’s National Urban Television Audience Measurement o NUTAM.

Nanguna sa Top 10 ang magazine news program ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho. Nakamit ng KMJS ang isa sa pinakamataas nitong ratings sa loob ng 15 taon.

Nakapagtala ang Kapuso magazine news program ng 19.1% laban sa 5.0% ng Crazy Beautiful You na itinampok sa Kapamilya Super Blockbusters.

Top 4 naman ang child-oriented TV series na Daig Kayo ng Lola Ko na nakakuha ng 12.1%. Panalo ang nasabing programa sa buong buwan ng Enero, na tampok ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Top 5 naman ang award-winning drama anthology ng GMA na Magpakailanman. Sunud-sunod rin ang pagkapanalo ng programa ng GMA laban sa katapat nitong palabas sa ABS-CBN.

Nitong Sabado, nakapagtala ang Magpakailanman ng 11.5% laban sa 8.4% ng Maalaala Mo Kaya.

Magpakailanman (GMA)Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)
January 411.7%9.4%
January 1111.2%11.1%
January 1810.6%9.2%
January 2511.5%8.4%

ALSO READ: Ed Caluag life story, wagi sa ratings!

Hindi rin papahuli ang APT-produced sitcom na Daddy’s Gurl na nakakuha ng 11.4%.

Top 7 naman ang weekday edition ng 24 Oras na nakapagtala ng 11.1%.

Sumunod naman sa listahan ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento na nakakuha ng 10.9%.

Top 10 naman sa listahan ang primetime series ng GMA-7 na Beautiful Justice. Pinusuan ng mga manonood ang huling linggo ng Beautiful Justice na nakapagtala ng 9.9% average ratings.

Narito ang Overall Top 30 Programs mula sa NUTAM ng Nielsen Philippines:

NUTAM People Ratings (Nielsen): January 25, 2020

Primetime:

Kuha Mo (ABS-CBN) – 6%
TV Patrol Weekend (ABS-CBN) – 7.8%
24 Oras Weekend (GMA) – 8.4%

Home Sweetie Home (ABS-CBN) – 8.5%
Pepito Manaloto (GMA) – 10.9%

Your Moment (ABS-CBN) – 9.4%
Daddy’s Gurl (GMA) – 11.4%

Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) – 8.4%
Magpakailanman (GMA) – 11.5%

NUTAM People Ratings (Nielsen): January 26, 2020

Daytime

ASAP Natin ‘To (ABS-CBN) – 4.4%
All-Out Sundays (GMA) – 4.7%

Banana Sundae (ABS-CBN) – 3.9%
Dear Uge (GMA) – 4.1%

FPJ on ABS-CBN (ABS-CBN) – 5.2%
GMA Blockbuster (GMA) – 5.0%

Primetime

TV Patrol Weekend (ABS-CBN) – 5.4%
24 Oras Weekend (GMA) – 6.2%

Rated K (ABS-CBN) – 9.4%
Amazing Earth (GMA) – 9.4%

Your Moment (ABS-CBN) – 9.2%
The Haunted (ABS-CBN) – 6.0%
Daig Kayo ng Lola Ko (GMA) – 12.1%

Kapamilya Super Blockbusters (ABS-CBN) – 5.0%
Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA) – 19.1%

Gandang Gabi Vice (ABS-CBN) – 5.0%
The Boobay and Tekla Show (GMA) – 4.5%

Stay tuned Boredmates for more updates! If you like this content, please like our Facebook page to catch up with the latest trends in the Entertainment Scene. You may also subscribe to our YouTube Channel to watch our upcoming videos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *