[Movie Review] What Happened to Monday

Dahil hindi kami maka-move on sa Bird Box na pinagbibidahan ni Sandra Bullock, hindi kami makapamili ng susunod na papanoorin.

Kaya naman nang may mag-suggest na panoorin namin ang “What Happened to Monday”, hindi na kami nagdalawang isip pa.

Hindi s’ya Netflix Original pero kinuha nila ito at pinalitan ng title. Originally “Seven Sisters” ang title nya at pinagbibidahan ni Noomi Rapace (The Girl with the Dragon Tattoo).

Medyo nadisappoint ako noong una kasi kinukumpara s’ya sa Bird Box. Akala ko documentary lang s’ya tungkol sa overpopulation.

Ang Kwento

Sa totoo lang hindi ko kilala ang mga nakikita kong artista maliban kay Glenn Close (Cruella De Vil ng 101 Dalmatians).

Nagbago ang lahat ng pananaw ko nung lumabas na ang pitong magkakapatid na iisa ang mukha. Sabi ko, “Wow, this is interesting!”

Pito silang magkakapatid na patagong pinalaki ng kanilang lolo kasi nasa panahon na sila na meron nang 1-Child Policy.

Pinangalanan ng lolo ang kanyang pitong apo base sa pitong araw sa isang linggo: Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday at Sunday.

Dumating ang panahon na nagka-isip na silang magkakapatid. Kaya naman naisip ng lolo na palabasin na sila ng bahay pero sa isang kondisyon. Bawat araw, isa lamang ang pwedeng lumabas at mamumuhay sila sa isang katauhan lamang, bilang Karen Settman.

Dito rin magsisimula ang kanilang kalbaryo dahil kung anuman ang mangyari sa isa ay dapat pagdaanan ng lahat. Kapag maputol ang daliri ng isa, dapat ding putulin ang daliri ng iba pa.

Ang Conflict

Ang naging pinaka-conflict ng kwento ay nang tumanda na sila. Isang araw, bigla na lang hindi umuwi ng bahay si Monday at naging untraceable.

Monday is missing.
Courtesy of Netflix

Nasaan na nga ba si Monday? Anong nangyari sa kanya?

Panoorin nyo na guys ang What Happened to Monday! Promise, maganda s’ya.

P.S. Tila na-stereotype na si Glenn Close sa pagiging Siblings Hater. Gusto n’yang patayin ang 101 Dalmatians pati na rin ang Seven Sisters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *