MMFF 2018 Review: Aurora

Sobrang excited kami nang malaman namin na may bagong pelikulang ididirek si Yam Laranas, kaya ang una sa listahan namin na papanoorin ay ang Aurora.

Si Anne Curtis (Buy Bust) ang bida sa horror movie na ito. Recently lang, magaganda ang mga nagawa nyang pelikula, ang Sid & Aya at Buy Bust.

Biruin mo Critically-acclaimed director plus Anne Curtis, full package na.

Mysterious ang Aurora, katulad ng mga nagawa ni Direk Yam na Sigaw, Patient X at The Road.

Simula pa lang ng palabas, pang-Hollywood na.

Courtesy of Viva Films

Story

Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa isang lumubog na barko, ang Aurora. Naalala ko yung documentary na ginawa ni Direk Yam na Asia’s Titanic para sa National Geographic na tungkol sa paglubog ng MV Doña Paz.

Parang kapareho lang ng Asia’s Titanic ang kinahinatnan ng Aurora, but this time, horror movie na sya.

Minana ni Leana (Anne Curtis) ang Seaside Hotel mula sa kanyang mga magulang. Dito nag-check in ang mga pamilya ng mga taong nawawala mula sa lumubog na Aurora.

Matagal-tagal na rin ang panahong ginugol ng Coast Guard para sa Search and Rescue Operations nila kaya ipinatigil na ito.

Pinakiusapan ng isang mag-asawa si Leana na hanapin ang mga nawawala kapalit ng P50,000 kada bangkay na mahahanap. Hindi malinaw sa kwento kung sino ang mag-asawang ito pero parang sila ang presidente ng samahan ng mga pamilyang naghahanap sa mga nawawalang kamag-anak.

Doon nagsimula ang patagong paghahanap ni Leana sa mga biktima ng lumubog na barko. Pinakiusapan nya si Eddie (Allan Paule) at Ricky (Marco Gumabao) na tulungan syang maibalik sa mga pamilya ang bangkay ng mga biktima ng lumubog na barko.

Sa kanyang paghahanap, maraming alaala tungkol sa kanyang pamilya at marami syang matutuklasan kung bakit lumubog ang barko.

Reaction

Unang-una, excited akong mapanood ito dahil matagal-tagal na rin nung huling mag-direct ng palabas si Direk Yam Laranas.

Isa sya sa dahilan kung bakit ako nahilig manood at mangilatis ng palabas. Kumbaga, ginawa ko na syang benchmark para sa mga Filipino Horror Movies.

Yung latest movie kasi nya bago ang Aurora, All Souls Night, ay hindi sya ang director kundi Executive Producer kaya ngayon lang ako ulit makakapanood ng pelikula nya na sya ang director.

Para sa akin, maganda ang simula ng Aurora kaso lang habang umaabante ang kwento ay medyo nagiging draggy na sya.

Wala masyadong nakakatakot na eksena, medyo disturbing lang yung narration.

Isa pa sa napansin ko ay yung eksena sa pelikula na babaeng naglalakad habang nasusunog. Medyo cheap yung pagkakagawa ng effects, ibang-iba sa The Road at Patient X.

Medyo mabagal ang takbo ng kwento pero hindi mo rin naman mabitawan kasi naghihintay ka ng mga twists na typical sa isang Yam Laranas film.

MMFF 2018 Reaction

Nakakadismaya ang MMFF 2018, biruin mo ito pa ang 2nd Best Picture. Maliban sa Rainbow’s Sunset na hindi pa namin napapanood, parang wala tuloy maganda sa anim pang pelikulang kasali sa MMFF ngayong taon.

MMFF 2018 List of Winners

Hindi ko rin maiwasang ikumpara ang mga entries sa MMFF 2016.

Hindi ako makapaniwalang naging Best Child Performer yung bata sa Aurora.

Para sa akin, the best pa rin ang MMFF 2016 kasi halos lahat may sense. Hindi puro para kumita lang.

Naaawa ako sa mga moviegoers na gumagastos para sa mga mediocre na palabas. Sana sa 2019, maaayos na ang entries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *