Scariest Horror Movies of 2018

Ewan ko ba kung bakit paboritong-paborito natin ang mga Horror Movies.

Siguro ay gusto natin yung feeling na nae-excite tayo at napapatalon sa ating mga upuan.

Tatlong genre lang ata ang paborito nating mga Pinoy: Horror, Comedy at Action.

Napakaraming Horror movie ngayong taon at ilan lamang sa mga ito ang pinaka-tumatak sa amin.

Narito ang listahan ng sa tingin namin ay Best Horror Movies of 2018:

10. Pyewacket

Pyewacket
Courtesy of Seville International

Tungkol sya kay Leah at sa nanay nya. Kamamatay lang ng tatay nya tapos lumipat sila sa isang malayong lugar para makapagsimula ng bagong buhay.

Hindi nagustuhan ni Leah ang paglipat nila ng bahay dahil nalayo sya sa mga kaibigan nya.

Nag-away sila ng nanay n’ya at sa sobrang galit nya ay nag-perform sya ng ritwal para tawagin si Pyewacket upang patayin ang nanay n’ya.

Pagkatapos nun, nag-bonding sila ng nanay nya at nawala ang galit nya at pinagsisihan ang ginawa nyang pagtawag kay Pyewacket.

Yun ang simula ng bangungot para sa kanilang mag-ina.

9. Upgrade

Courtesy of Blumhouse Productions

It’s all about Revenge.

Pinatay ang asawa ng bida at pati sya ay muntikan na ring mamatay.

Sa tulong ng isang bilyonaryong inventor, pinag-eksperimentuhan ang kanyang katawan at nagkaroon sya ng mga pambihirang kakayahan upang maghiganti sa mga taong pumatay sa kanyang asawa.

Kung gusto nyo ng mga Revenge Movies tulad ng “The Raid”, malamang magugustuhan nyo rin ito.

8. Ravenous

Kung fan kayo ng “The Walking Dead” o “Train to Busan”, ito ang marerecommend ko sa inyo. Napanatili nya yung mystery hanggang dulo.

Sana may Part 2. Hindi kayo magsisisi kapag pinanood nyo to.

7. Are We Not Cats

Courtesy of Cleopatra Entertainment

Kakaiba sya!

Pinaghalong comedy, romance at horror. Nagustuhan sya ng mga audience at critics sa Rotten Tomatoes kaya malamang ay magugustuhan nyo rin.

Ganun naman sa RT, kadalasan kapag nagustuhan ng mga kritiko ay mababa ang Audience Rating.

Pero iba to, parehong mataas kaya GO na kayo.

6. Mandy

Courtesy of RLJE Films

Kung mahilig kayo sa Horror na may halong aksyon, itong Mandy ang bagay sa inyo.

Pinagbibidahan ito ng kilalang action star na si Nicolas Cage.

Note: 92% Certified Fresh sya sa Rotten Tomatoes

5. Revenge

Courtesy of Shudder and NEON

Magugustuhan nyo to kung mahilig kayo sa mga Gore movies.

Yung tipong mala-“I Spit on Your Grave” o kaya “The Walking Dead”.

4. Hereditary

Courtesy of Windy Hill Pictures

Ito ang aming Top 4!

Sobrang eery ng feeling habang pinapanood mo sya.

Tungkol sya sa mga kulto na sumasamba sa demonyo.

Nakakatakot sya, mapapamura ka na lang sa mga nakakagulat na eksena.

3. CAM

Courtesy of Blumhouse Productions, Netflix

Maganda yung kwento at maku-curious ka talaga.

Pero babala lang, bawal sa bata ‘tong palabas na ito dahil sa dami ng nude scenes.

Kwento ito ng isang babae na naghahanapbuhay bilang isang cam girl.

Isang araw, bigla na lang syang hindi maka-access sa kanyang account. Nagulat na lang sya na ninakaw na pala ang identity nya at kakalat ang mga fake sex videos nya.

Note: 94% Certified Fresh sya sa Rotten Tomatoes

2. Bird Box

Courtesy of Netflix

Bago matapos ang taon, humabol pa ang Bird Box sa listahan ng pinakanakakatakot na Horror movie ng taon.

Palagi syang kinukumpara sa “A Quiet Place”, pero alam nyo ba na hango ito sa isang novel? So, mas nauna pa ang konseptong ito kesa sa “A Quiet Place”.

Pitong araw pa lang ito nang i-release sa Netflix pero 45 million accounts na kaagad ang nakapanood. Talagang Record-breaking.

Bakit ba nakapiring ang mga mata nila?

Meron kasing halimaw sa hangin na kapag nakita mo ay maiisipan mong mag-suicide. Para syang virus.

Kung nagustuhan nyo ang “A Quiet Place”, sigurado kaming magugustuhan nyo rin ito.

1. A Quiet Place

Courtesy of Paramount Pictures

Kaya mo bang mabuhay nang hindi nag-iingay?

Naku, malamang marami na ang mamamatay sa atin kung mangyari sa atin ang nangyari sa movie na ito.

Sobrang gandang-ganda kami sa movie na ito at tatlong beses pa namin pinanood sa sinehan.

CONCLUSION

Kahit hindi Halloween, bentang-benta talaga ang mga horror movies. Napanood nyo na ba ang lahat ng nasa listahan? Kung may isa-suggest kayo sa amin na magandang horror movie, mag-comment lang kayo below.

I-like nyo rin ang aming Facebook Page para updated kayo sa amin: Bored Productive

At mag-subscribe sa aming YouTube Channel para mapanood nyo ang aming mga videos na ia-upload: Bored Productive on YouTube

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *