Mga Inaabangang Animated Movies Ngayong 2019

Bata man o matanda, gustung-gusto nating nanonood ng mga Animated Movies. Minsan pa nga ay ginagawa nating dahilan ang ating mga anak, nakababatang kapatid o pamangkin para lang makapanood tayo ng mga animated movies.

Wala eh, young at heart pa rin tayo. Siguro dala ng ating mga problema at stress kaya gustung-gusto nating manood ng mga less-stress movies.

Ngayong 2019, markahan nyo na ang mga kalendaryo nyo ng mga dapat panoorin sa mga sinehan.

The LEGO Movie 2: The Second Part

Sa February 8 ipapalabas ang The LEGO Movie: The Second Part. Sina Chris Pratt, Elizabeth Banks, Channing Tatum, Will Arnett at Tiffany Haddish ang mga boses sa likod ng pelikula.

Photo Credit: Warner Bros.

Taong 2016 nang ipalabas ang unang The LEGO Movie. Kung riot ang una, mas magulo ang Second Part dahil may paparating na Space Invaders sa town.

How to Train Your Dragon: The Hidden World

Photo Credit: Dreamworks Animation

5 years ang hinintay nga mga fans ni Hiccup at Toothless para sa bagong movie ng How to Train Your Dragon. Trailer pa lang ng palabas, nakakatuwa na. Magkakaroon na kasi ng love team ang dragon na si Toothless na kasing cute din nya.

UglyDolls

Sa May 3 naman ipapalabas ang UglyDolls, sina Kelly Clarkson, Nick Jonas, Emma Roberts, Janelle MonĂ¡e at Blake Shelton naman ang mga boses sa likod ng Animated Musical movie na ito.

Photo Credit: STX Entertainment

Kwento ito ng mga plush toys na nakatira sa isang bundok na naglakbay papunta sa Perfection. Doon nila mare-realize kung gaano sila ka-pangit. Expect nyo na sa palabas na ito ang mga kantahan at colorful visuals.

The Secret Life of Pets 2

Magbabalik sa mga sinehan ang Jack Russell Terrier na si Max. Sa unang The Secret Life of Pets noong 2016, si Louis C.K. ang nag-boses kay Max pero ngayong 2019 ay si Patton Oswalt na.

Photo Credit: Illumination Entertainment

Memorable sakin ang movie na ito mga Boredmates dahil ito yung movie na pinanood namin nang mag-propose ako sa fiance ko.

Toy Story 4

Photo Credit: Disney / Pixar

Maraming agree na maganda ang katapusan ng Toy Story 3 at inakala ng karamihan na ito na ang katapusan ng buong Toy Story franchise. Kaya naman tayo ay nagulat na meron pang pang-apat.

Siguro ay may dahilan ang Pixar kung bakit nila sinundan. Abangan na lang natin yan, mga Boredmates, sa June 21 na ang Toy Story 4.

The Angry Birds Movie 2

Photo Credit: Rovio Animation, Columbia Pictures

Paparating din sa mga sinehan ang sequel ng The Angry Birds Movie na hinango mula sa isang sikat na mobile video game. Tungkol saan? Hindi na yun mahalaga. Kung ang unang movie nga ay bumenta, hindi lang sa mga bata kundi pati ang mga young at heart, kailangan pa bang malaman ang kwento? Hindi na, manood na lang tayo sa September 20 sa sinehan.

The Addams Family

Photo Credit: MGM

Ang sikat na gothic family noong 1930’s na nagkaroon na ng napakaraming adaptation sa small screen at silverscreen, magiging animated CGI movie na din.

Maituturing man itong classic, paano na lang kung ang gagawa nito ay ang mg nasa likod ng Sausage Party? Siguradong punung-puno ito ng kabaliwan.

Mapapanood ang The Addams Family simula October 11 sa mga sinehan.

Frozen 2

Let It Go. Let It Go…

Photo Credit: Walt Disney Pictures

Lahat talaga ay napapakanta kapag naririnig ang theme song ng Frozen, ang Let It Go na pinerform ni Idina Menzel sa movie.

November ngayong taon, makikita nating muli sina Elsa at Anna. Samahan natin ulit sila sa kanilang adventure sa Arendelle. Sa November 27 ipapalabas ang Frozen 2 sa mga sinehan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *