Morissette, balik TV5 na!

Muling mapapanood sa TV5 ang Kapamilya singer na si Morissette dahil may bago syang show sa Kapatid Network, ang Sing Galing Kids.

Mainit na sinalubong ang Asia’s Phoenix sa flagship morning news program ng TV5 na Frontline Sa Umaga kung saan naka-twinning pa n’ya si Gretchen Ho.

Katuwang ang Robinsons Malls, TV5 at Cignal TV, idinaos ang Sing Galing Nation: The Grand Kantawanan Caravan noong May 14 sa Robinsons Place Lipa at Robinsons Malolos, noong May 15 sa Robinsons Metro East, at sa Robinsons Galleria South naman noong May 22.

Sa naturang caravan na rin ginanap ang audition para sa Sing Galing Kids na magtatampok ng mga talentadong batang mang-aawit na edad 5 hanggang 12.

Dati nang naging Kapatid si Morissette mula nang naging runner-up s’ya sa singing competition ng TV5 na Star Factor noong 2010 bago s’ya sumali sa The Voice of the Philippines ng ABS-CBN noong 2013.

Malapit nang mapanood ang Asia’s Phoenix sa TV5 sa bagong show na Sing Galing Kids!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *