Heart Evangelista, umaming may pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay

Usap-usapan ngayon ang napapabalitang hiwalayan nila ng kaniyang asawa na si Chiz Escudero matapos aminin ng actress-vlogger na totoong meron siyang pinagdadaanan sa kaniyang personal na buhay, batay ito sa sa pinakahuling Youtube vlog na in-upload ni Heart Evangelista nitong Biyernes, ika-5 ng Setyembre

Pagbabahagi ni Heart, “How’s life? You know I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me.

“I’m not gonna lie, I’ve been through a lot of personal stuff in my mind but you know at the end of the day I’m still very grateful and as long as there is life, there’s hope,” pagtatapat pa niya.

Nagsimula ang isyu ng hiwalayan nilang mag-asawa nang tanggalin ni Heart ang “Escudero” sa profile name ng kanyang Instagram account. Hindi naman naging specific si Heart tungkol dito.

Dagdag pa niya: “I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… I feel a lot of pressure in my life. Basically now, I’m really in search of just being happy.”

“It’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy, and that’s where I’m at now. Just really appreciating all the small moments and Panda, Shuti, all the love that I feel,” aniya.

Kilala si Heart sa pagbili ng mga signature at branded na gamit pero sabi niya, mas natututunan niya ngayong bigyang halaga ang mga simpleng bagay gaya ng pakikipag-bonding sa kanyang pets.

Nabanggit din ni Heart sa kanyang vlog ang usapin ng pagiging independent niya. Ito ay matapos niyang mag-cover sa isang sikat na magazine at namamayagpag ngayon sa Paris bilang sikat na modelo.

Ayon sakanya, “It feels good to be empowered and know that you can do things on your own no matter how hard certain situations in your company, in your workplace, or the people around you, or what weighs you down,”

“At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life, and not rely on anyone that matters,” dagdag pa ni Heart.

Mas ipapakita niya raw ang mga “unfiltered version” ng kanyang buhay, pagbabilita pa ng aktres na magiging mga pagbabago sa kanyang YouTube channel.

Sabi pa niya, “At the end of the day, I feel like it’s so important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not. It’s about living your life and if somebody out there relates to you, that’s wonderful!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *