‘Puro nakaw ‘to’: Sen. Cynthia Villar, nagmura sa Senate budget hearing

Hindi napigilan ni Senator Cynthia Villar na ipahayag ang kaniyang pagkadismaya Senate hearing patungkol sa proposed 2022 budget para sa National Tobacco Administration noong Biyernes, October 22.

Kinuwestiyon ng senadora ang ilang items sa proposed budget ng NTA, kabilang dito ang “Production technical marketing assistance.”

“P*tang i*a, puro nakaw ‘to,” sigaw ng senadora.

Itinanggi naman ng NTA officials ang alegasyon, pero sinabi ni Villar na mas may alam siya tungkol dito.

“Tigilan niyo na ako sa mga technical assistance na ‘yan, alam naman natin na drama lang ‘yan ng taon,” dagdag niya. “Naku naman. Diyos ko. Terible!” sabi niya.

Inutos ni Sen. Villar na “Ilipat mo ‘tong 100 million mo sa Emergency Cash Assistance sa mga tobacco farmers.”

Giit pa ng senadora, “Sumunod na kayo sa amin kasi ‘yan [si Sen. Imee], taga-Ilocos ‘yan. Nakikita n’ya ‘yung mga gusto ng farmer. Hirap na hirap ngayon ang mga tao. Kaya ibigan na lang natin na ganoon ‘yan [bilang Emergency Cash Assistance].”

Pagbigyan niyo na si Senator Imee, taga-doon ‘yan sa Norte. Alam n’ya kung ano ang daing ng mga tao, sabi pa ni Sen. Villar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *