Kahit 54 na ang 1 dolyar: Piso, nananatiling competitive ayon kay Diokno

Hindi nangangamba si outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin E. Diokno sa pagbaba ng palitan ng piso sa US dollar matapos sumampa sa P54 noong Lunes, at naging P54.50 tanghali ng Martes.

Ito na ang pinakamababang palitan ng piso sa dolyar sa loob ng 44 na buwan.

Sinabi ni Diokno na nananatiling maganda ang laban ng piso sa dolyar at ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasa recovery na. Sapat na raw ito para makipagsabayan sa mga hamon sa labas ng bansa.

Kasama sa mga hamong ito ang speculative attacks sa exchange rate spot market. Gayunpaman, pinoprotektahan ng free-floating exchange rate policy ng BSP ang piso laban sa mga speculative hits.

“Best way to look at the peso devaluation is how is it in relation to other currencies in the region. And compared with the other currencies in the region, we’re doing well,” ani Diokno sa press chat nitong Martes, June 21, matapos isapubliko ang kaniyang “Statement on the State of Financial Stability” bilang BSP chief at chairperson ng inter-agency Financial Stability Coordination Council (FSCC).

Tinutukoy ni Diokno, isang ekonomista, ang kakayahan ng piso na makipagsabayan ay naaayon sa nominal at real effective exchange rates (EER) kung saan ito ay ang index na sumusukat sa average nominal at totoong halaga ng piso o anumang currency sa lahat ng currencies ng mga pangunahing trading partners.

“Economists call it the one-one measure competitiveness of the peso (which) is the real effective exchange rate and on the basis of that, we’re doing well,” aniya.

Ang EER ay isang indikasyon ng net direction ng exchange rate ng isang bansa laban sa mga pangunahin trading partners, ayon sa BSP.

Ang pagbaba sa EER ay nangangahulugan ng isang overall depreciation ng isang pera na nauugnay sa isang basket of currencies.

Sa ngayon, ang BSP any may iba’t ibang ginagamit na pamamaraan upang makuha ang anumang short-term na pagbabago-bago ng exchange rate.

Samantala, sa pagtataya sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa, pinatunayan ni Diokno at ng mga miyembro ng FSCC na kinabibilangan ng Department of Finance at ng Securities and Exchange Commission, na ang patuloy na katatagan ng ekonomiya ay sapat ang lakas upang hindi maapektuhan ng external shocks mula sa pagtaas ng interest rates at mataas na pandaigdigang inflation.

Sinabi ni Diokno na ang growth path, na nakapagtala ng 8.3 percent GDP expansion sa unang quarter, ay pinalakas ng kakayahan ng mga consumer na bumili at ng economic-enhancing investments.

Tinitiyak nito ang lakas ng bansa sa pagharap sa fast-evolving shocks sa pandaigdigang merkado, dagdag niya.

Sinabi naman ni BSP Assistant Governor Johnny Noe E. Ravalo ng Office of Systematic Risk Management, na mas detalyadong nag-present ng financial stability report ng FSCC, na ang kahinaan ng local currency kaugnay ng purchasing power ay hindi lamang isyu dito sa Pilipinas.

“The movement on the exchange rate is not a Philippine phenomenon, it is happening worldwide right now, as the balance of risks are weighed against the rates or premiums that are attached to the various agency. When we talk about purchasing power, it is really the ability of individuals to buy. So, it is really money in the pocket,” ani Ravalo.

Dagdag pa ni Ravalo na ang pera sa bulsa ay “driven by a broader, deeper sense” ng employment at nag-iimprove ang participation rates.

“You got higher employment rates and the fact that on a seasonally-adjusted basis, per capita consumption is actually higher. It bodes very well for the Philippine economy,” aniya, at dagdag pa niya “purchasing power looks strong, not just on one quarter basis but on a trend over the last eight quarters you’ve actually seen improvement from March 2020.”

Parehong nabanggit nina Diokno at Ravalo na patuloy na ini-improve ng FSCC ang kakayahan nito na ma-identify, ma-assess, at maagapan ang emerging systematic risks.

Binanggit nila ang Systematic Risk Crisis Management (SRCM) Framework na kamakailan lang inilabas ng FSCC na sinabi ni Diokno na kapakipakinabang – “not because an immediate crisis is upon us but rather because it gives our stakeholders a transparent view of how we continuously manage systematic risks, regardless of the state of stability.”

“Our view on the state of stability will evolve as market stakeholders adapt and adopt to changing market conditions,” ayon kay Diokno.

Sinabi ni Diokno na inaasahan ng FSCC ang mga spillover mula sa mga advanced economies sa pamamagitan ng cost-push pressures at high risk premiums.

“These are not independent shocks but are interconnected at many levels, creating complex, non-stationary and interlinked cause-and-effect relationships,” ani Diokno.

Tinutukoy din ng FSCC ang mga panganib at pagbabago ng presyo ng langis sa merkado bilang dalawang pangunahing external challenges. Ang mga panganib na ito ay may malaking epekto dahil maaari itong makaapekto sa leverage, liquidity, macroeconomy, at mga climate change initiatives ng bansa, ayon sa grupo.

Ang tumataas na inflation sa mga mayayamang bansa ang nagbunsod sa mga central banks, kabilang ang BSP, na itaas ang policy rates upang pabagalin ang aktibidad ng ekonomiya.

Hindi ito ang sitwasyon sa maraming umuusbong na mga merkado, ngunit ang mga pagtaas ng rate ay inaasahan na mag-spillover sa ibang bahagi ng mundo, ayon sa FSCC.

“Rising interest rates benefit savers and those who wish to invest in financial instruments, but this gain will be met by higher costs for borrowers, covering households, businesses, and the government. Those holding marketable assets will also experience a revaluation loss,” ayon sa FSCC.

Oil is anohter challenge, and its effects are evident in rising pump prices,” dagdag pa nito. “While this is raising domestic inflation, the issue is not typically addresses by monetary tools,” sabi ng FSCC.

Ang FSCC ay pinamumunuan ng gobernador ng BSP, at bukod sa DOF at SEC, kasama rin ang Insurance Commission at Philippine Deposit Insurance Corp.

Ang FSCC ay isang makapangyarihang inter-agency body para sa mga financial market regulators upang tukuyin, subaybayan, pamahalaan, at pagaanin ang pagbuo ng mga sistematikong panganib sa financial system ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *